August 28, 2015
12:47 a.m.
Napakatahimik. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang pagpitik ng kamay ng orasan habang lumilipas ang bawat segundo. Hindi na naman kasi ako makatulog, at katulad ng dati, masamang naiiwang dilat ang aking mga mata sa kalaliman ng gabi dahil malalayo ang nararating ng aking diwa na tila sumasabay sa halumigmig na bumabalot sa paligid.
Napapapikit ako sa mga oras na ito. Pinipilit ko ang aking sarili na dalawin ng antok, gayunpaman, patuloy sa pagpitik ang kamay ng orasan, patuloy din namang naglalakbay ang diwa ko sa ideolohiyang kanina ko pa ninanamnam.
Lumilipas ang panahon. At sa paglipas nito, di ko alam kung umiikli o humahaba ang paghihintay ko. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko hinihintay ang kasagutan mo sa liham na isinulat ko para sa iyo noong nakaraan, sa tulang isinulat ko para sa'yo kamakailan. 'Wag mo sanang isiping isinulat ko ang sanaysay na ito dahil naiinip na ako. Huwag. Bihirang maniwala ang mga taong nabubuhay sa henerasyong ito na may mga taong marunong maghintay, at sa maniwala ka at sa hindi, handa akong hintayin ang iyong sagot sa isang tanong na hanggang ngayon ay di ko masabi sa'yo ng tuwiran. Intindihin mo sanang umid ang dila ko pagdating sa'yo.
Pumipitik ang orasan. Lumilipas na naman ang oras. At narito naman ako, nakaupo sa isang silya, patuloy na minamasdan ang paggalaw ng kamay ng orasan, naghihintay sa panahong ang kamay nito ay dadating sa oras na aking inaasahan.