Lunes, Pebrero 15, 2016

Nahulog, at 'di na makaahon,
Para kang bangin na 'di ko matanaw ang dulo
Alam kong matarik ngunit ninais kong tunguhin
Tulad mo,
Alam kong komplikado, ngunit sinubok kong suyuin


Bakit nga ba ganito?
Hindi ko maintindihan
Na kahit ako'y iyong ipinagtabuyan,
Ninanais ko pa ring bumalik sa iyong harapan

Nabubulagan lamang ba o sadyang totoo na,
Nararamdamang pagsinta, 'di na maitago pa
Abot kamay na ngunit 'di kayang abutin,
Para akong lupa, at ikaw ang bituin

Wala akong pakialam
Kahit na ano pa ang iyong nakaraan
Iniibig ko'y ikaw,
Hindi na kailangan pa ng dahilan

Binibini, ako'y hindi makata
Ngunit hayaan mong iparating ko sa'yo
Ang mga salitang nabibigkas ko lamang
Sa pamamagitan ng tula
Dila ko ma'y nauumid sa pagsambit
ng aking nadarama,
Tantuin mong ako'y 'di nagpapanggap,
At umaasang sayo'y maging karapat-dapat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento