Miyerkules, Setyembre 9, 2015

Abakada

Kung natuturuan lang magsalita ang puso, matagal ko na sigurong ginawa
Dahil kung ang bibig ko ang pagsasalitain,
Walang ibang lalabas dito kundi hangin

Kung posible lang sana, marahil sumisigaw na ito sa iyong harapan,
Marahil mabibingi ka at makukulitan dahil paulit-ulit nitong tatawagin ang iyong pangalan

Maglalakas loob siguro itong sabihin sa iyo
Na pinapangarap kong mahawakan ang iyong kamay,
At saka iuugoy habang lumalakad tayo ng sabay,
Magagawa rin siguro nitong sabihin sa'yo
Na gusto kitang tingnan sa mata, at saka hawakan ang iyong mukha,
Dahil ang wangis mo'y nahahawakan ko lamang sa panaginip
Sa panaginip na kailanma'y di tatawid sa mundong ginagalawan natin
Magagawa rin siguro nitong sabihin ang lahat ng kalungkutan at saya na gusto kong ibahagi sa'yo,
Mga kalungkutang kung hindi dahil sa pag-asang ibinigay mo ay mananatiling nagpapadilim sa buhay ko,
Mga saya na naidulot mo dahil sa noo'y pagbibigay mo sa akin ng pag-asang maging posible ang bagay na hinahangad ko,
Dahil hindi ko sinimulan ang lahat ng ito upang sa katagalan ako'y susuko

Kung natuturuan lang magsalita ang puso,
Marahil isisigaw nito sa buong mundo, na di man tayo madalas magtagpo,
Nakatatak naman ang larawan mo sa aking isip at puso

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento