"Broken hearts do the most writing."
Iniaalay ko ito sa isang tao. Sa isang manunulat.
Hindi naman talaga ako
writer, at nagsusulat lang ako dahil sa dalawang dahilan: Una, kapag inspirado
ako, at pangalawa, kapag broken hearted ako. Oo, nabo-broken din ako. Hindi ako
tulad ng inaakala ng iba na manhid at walang pakiramdam, at sa totoo lang, isa
ako sa mga pinakaemosoyonal na tao na makikilala mo sa buhay mo.
September 13, 2015. Di ko inakalang di pala magiging ordinaryo ang araw na ito. Maghapon kang hindi nagpaparamdam sa chat, at nung nagreply ka, "sorry" agad ang salitang binitawan mo. May gusto kang sabihin na di mo magawa, kaya sinendan mo ko ng link ng isang kanta. "Set you Free" ng MYMP. Sa totoo lang, di ko maintindihan nung una kung ano ang ibig mong sabihin, pero ng binitawan mo na ang mga salitang ayokong marinig galing sa'yo, naramdaman kong nangilid ang luha ko.
"hindi ako naiinis sa'yo. naiinis ako sa sarili ko, tinry ko ng sobra pero hindi ko magawa. i tried so hard to love you back, but i just can't. you're free to hate me. curse me. but i don't want to lead you on. this isn't easy peasy to me."
Limampung salita. Limampung salita na sapat na para paagusin ang aking luha, Gayunpaman, pinilit kong pigilin ang pagtulo nito dahil kailangang lakasan ko ang aking loob.
"araw araw naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawa na mahalin ka. at ang hirap hirap non. hindi to madali sa akin, dahil naramdaman ko ang exact na sakit na nararamdaman mo, pero mas masasaktan ka kasi pag pinilit ko pa, di ba? ayokong mangyari yon."
Hindi mo naman kailangang pilitin. Hindi din naman kasi ako nagmamadali. Take your time. Isang buwan pa lang naman akong nanliligaw, Hindi kita minamadali sa sagot mo. Sa ganito naman kasi talaga nagsisimula ang lahat. Una, wala kang mararamdaman, sa katagalan may mararamdaman ka din. Wag mong madaliin. Humingi ako ng isa pang pagkakataon sa'yo dahil gusto kong patunayan sa'yo na kaya kong maghintay para mahalin mo din ako, kahit gaano katagal. Sabi ko sa'yo di ako masasaktan, oo, totoo yon. Kung 'yon ang tanging paraan para manatili ka sa tabi ko, pipilitin kong tibayan ang loob ko. Sa pangalawang pagkakataon na hiningi ko, ito lang ang masasabi ko, maghihintay ako, at kung sakali mang may dumating na ibang tao na magpapatibok uli sa puso mo, sabihin mo agad sa akin, dahil siguro 'yon na ang tamang panahon para bitawan ka.
Alam mo, sa kabila ng
lahat ng nangyari ngayong araw, may pinanghahawakan pa rin ako. Pinanghahawakan
ko ang pagbibigay mo sa kin ng isa pang pagkakataon. Tulad ng sabi ko, hindi
ako nagmamadali. Sabi mo magmamahal ka din, pero hindi pa sa ngayon. Hindi ka
pa handa. Hihintayin ko ang panahon kung kailan ka magiging handa, Kahit pa
pareho na tayong maging matandang binata at dalaga, hihintayin pa din kita, at
di ako nagbibiro. Pansinin mo, tulad ng nilagay ko sa tulang ginawa ko para
sa'yo, may alegorya ang lahat ng ginagawa ko. Sabi ko sa'yo hinihintay kita
tuwing uwian dahil gusto kong masiguro na ligtas kang uuwi at dahil gusto
kitang makasama, hindi mo siguro napansin na isa rin iyong alegorya na handa
akong hintayin ka kahit gaano katagal para lang makasama ka.
Nagiging makasarili ako dahil ayoko pang bumitiw. Dahil sasandaling panahon pa lang naman ang tinatagal ng panunuyo ko sa'yo. Dahil dito, humihingi ako ng paumanhin. Hindi pa kasi talaga ito panahon para bumitiw agad, Isang buwan pa lang naman. Hindi ba masyado pang maaga?
Nakasarado pa ang puso mo, at sabi mo ikaw lang ang makapagbubukas nito. Gusto kong manatiling nakatayo sa pintuan nito, para oras na buksan mo ito, agad akong makapasok.
Kung mababasa siguro ito ng mga kaibigan mo at ng mga kakilala mo, pagtatawanan nila ako. Gayunpaman, wala akong pakialam. Sabi mo di ka deserving sa isang tulad ko. Sino ba ako para hindi ka maging karapat dapat? Ako pa nga ata ang dapat magsabi nyan sa'yo. Inaasahan ko ang panahon ng magiging karapat dapat tayo sa isa't isa, di lang bilang magnobyo at magnobya, kundi bilang magasawa na haharap sa Dambana. Nagti-thesis ka ngayon. Pagbutihan mo yan. May pangarap ka sa buhay, ako din naman, Ang kaibahan lang sa ngayon, kasama ka sa pangarap ko. Sana dumating ang panahon na kasama na rin ako sa pangarap mo.
Siguro itatanong mo kung bakit ayaw kong bitawan ka. Ang selfish ko no? Alam mo naman na ang sagot, Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo? Siguro bilang mo pa lang sa daliri, pero kahit sa mga sulat ko pa lang nasasabi ang mga katagang "mahal kita", gusto kong malaman mo, na sa bawat letra ng dalawang salitang ito sa Filipino, at tatlo naman sa Ingles, balot ito ng katotohanan na ang nararamdaman ko para sa'yo ay totoo, na kahit ang salita ay di kayang ipaliwanag. At gusto kong sabihin sa'yo, sa lahat ng lenggwaheng alam ko, mahal kita.
Sabi sa isang kanta, "Where do broken hearts go?"
Ang sagot ko, sa'yo pa
rin ito babalik. Dahil kahit madurog ito ng katotohanang wala ng pagasang
natitira, mananatiling pangalan mo pa rin ang sinisigaw nito, Joni.
I love you :((
TumugonBurahin